About my Blog

But I must explain to you how all this mistaken idea of denouncing pleasure and praising pain was born and I will give you a complete account of the system, and expound the actual teachings of the great explorer of the truth, the master-builder of human happiness. No one rejects, dislikes, or avoids pleasure itself, because it is pleasure, but because those who do not know how to pursue pleasure rationally encounter consequences that are extremely painful. Nor again is there anyone who loves or pursues or desires to obtain pain

Monday, May 11, 2009

Yosi, Wine at Mata sa Bintana.

***Isang liham sa may akda.***
**Note: PG recommended. LOL!

Hindi ko lubusang maisip kung baket napakatindi ng kamandag ng kanyang petchay. Parang tila may nakabalot na misteryo ito at lahat ng nakakatikim ay sadyang nahuhumaling.

Eto ang kwento ng kung paano ang isang ordinaryong gabi na sa ‘di inaakalang pangyayari binago ang aking buhay bakla.

Ako ay isang bakla. Bata pa lamang ako ay napapansin na ng aking mga kamag-anak, kapit-bahay, at ibang pang taong nakakasalamuha ang aking kakaibang kilos. Malamya daw ako para sa isang batang lalaki. Mahinhin daw at mahilig makipaglaro sa mga babae. Noon, sa aking buong pagaakala wala akong ginagawang masama. Eh ano ngayon kung mahilig akong makipaglaro sa mga babae. Eh ano kung mas magaling ako sa volleyball kaysa sa basketball. Eh ano kung ang paborito naming laro ay 10-20, Chinese garter, limbo rock, si Nena (ayy bata pa… kaya’t ang sabi nya uhmmm-ahhh-uhhhmmm-ahh-ahh!) at shake-shake-shampoo. Para sa akin wala akong ginagawang masama. Naglalaro lang. Walang malisya.

Pero di naglaon at sa aking pagtanda unti-unting nagbago ang aking pananaw sa aking noon pa ma’y kaduda-dudang ng pagkalalaki. Habang unti-unti kong natutuhan ang mga kamunduhan ng laman doon ko din napagtanto na ako nga ay isang binabae. Ngunit kailanman hindi ko ninais na maging babae. Nagkakagusto, umiibig, at nalilibugan lang ako sa kapwa lalaki. Yun lang.

Matagal-tagal na din akong umamin sa aking mga magulang sa aking piniling daan at sa kabutihang palad, tanggap naman nila ako. Pero sa kasukdulan ng aking kabaklaan may mga ilang paninindigan pa din akong sinusunod.
1. Huwag na huwag magbabayad ng lalaki para sa libog lamang
2. Huwag umibig sa tunay na lalaki
3. Huwag ng umasa na magkakaroon ng teknolohiya baling araw para gawin tayong mga bakla na tunay na babae --- matres at kung ano-ano pa.
4. Ipaglaban ang karapatang kabadingan --- di naman ako aktibista, di lang nagpapaabuso.

At madami pang iba. Nakakatamad na lamang ilista.

Pero sa mga alituntunin kong ito may isa pa aking hindi nagagwa… pumasok sa isang “gay bar” (hindi club), manood ng mga lalaking hubad na nagsasayaw at manood ng torohan kung meron man. Ngunit sa gabing iyon naranasan ko ang pangyayaring nagpabago ng aking buhay.

-0-


Para siyang kuneho kung umariba. Buong akala ko ay magigiba ang kama. Pinapanood ko lamang sila sa bintana habang nagyoyosi, umiinom ng wine at may kausap sa telepono doon sa may veranda.

Parang mga hayup. Dumadagungdong na parang kinakatay na baboy ang kanilang mga halinghing. Kung makapagsasalita lamang ang mga ding-ding, pader at muwebles ng kanyang maliit na apartment marahil maloloka ka din sa mga ikukuwento nito. Kung ano-anong kahalayan. Ibang klase.

Nakakalat ang kanilang mga saplot. Isang oras. Walang tigil ang sarap. Walang humpay ang pagnanasang magiba ang kama. Iba-Ibang pwesto. Parang pa-sirko-sirko. Para akong nanonood ng perya. Minsan asa itaas ang paa, minsan asa sahig ang ulo. Palakas ng palakas ang mga hiyaw. Ibang klase. Kakaonti na lang at muntik na akong sumugod sa loob para makatikim.

Matapos ang palabas parang walang nangyaro. Balik lahat sa dati. Balik inuman. Balik kwentuhan. Casual lang.

“Ang laki-laki!”
“Halika! Hawakan mo.”
“Ayaw ko nga!!!”
“Dali na, ok lang yan sa kanya.”

Kinuha niya ang aking kamay at pinahawak. “Hindi pa man ito galit, wika nya.” Sabay isang malakas na sigaw.

Umuwi akong tulala. Hindi pa din makapaniwala. Binago nila ang buhay ko. Ibang klase.

Disclaimer: Story is purely fictional ---- OR IS IT?! =D
Love letters and idealisms by Noel Abelardo
Powered By Blogger